
Sa Part 2 ng Tadhana: Ganti, isang mas matapang at matibay na Giselle (Winwyn Marquez) ang nagbabalik sa Pilipinas para maghiganti.
Matapos kasi niyang makaligtas mula sa masamang plano ni Marissa (Maui Taylor) noon, nagsikap si Giselle upang siguradong makakaganti na siya sa makapangyarihang pamilya ng mga Reyes.
Sa tulong ni Luke (Pancho Magno), unti-unting guguluhin ni Giselle ang mundo ni Marissa.
Ano-ano ang kayang gawin ni Giselle upang mabawi ang kanyang anak at mapaghiganti ang mga pumanaw na magulang?
Abangan ang natatanging pagganap nina Winwyn Marquez, Maui Taylor, Pancho Magno, Shido Roxas, Princess Aliyah, Jim Pebanco, Bryce Eusebio at TikTok stars Yes na Yes For You at Chloe Redondo.
Samahan si Kapuso Primetime Queen sa kuwento ng Tadhana: Ganti Part 2 ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook and YouTube livestream.