GMA Logo winwyn marquez
What's on TV

Winwyn Marquez, hinabol ang katotohanan tungkol sa anak sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published May 24, 2026 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Last day of 2026 Bar Exams
The Young Achievers Podcast: Abi Marquez and her love for food
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

winwyn marquez


Natuklasan ni Sonya (Winwyn Marquez) na nasa poder ng kabit ng kanyang asawa ang kanyang tunay na anak.

Sa pagtatapos ng Tadhana episode na "The Real Daughter," mas lalong naging emosyonal at tensyonado ang kuwento ni Sonya (Winwyn Marquez) matapos niyang matuklasan na buhay at nasa poder ng kabit ng kanyang asawa ang kanyang tunay na anak.

Sa mga naganap sa Tadhana, walang sinayang na oras si Sonya nang malaman niyang nawawala ang kanyang tunay na anak. Sa kanyang desperadong paghahanap, nabunyag na ang bata ay matagal pa lang inaalagaan ni Veronica (Thea Tolentino), ang kabit ng kanyang mister.

Samantala, nang malaman ni Oliver (Rob Gomez) na may malaking mamanahin si Sonya, nagkunwari itong maayos ang kanilang pagsasama. Ngunit sa likod ng kanyang pagpapanggap ay may itinatago pala siyang masamang plano para makuha ang pera ng asawa.

Habang unti-unting nabunyag ang katotohanan, agad pinuntahan ni Sonya ang kanyang tunay na anak. Ngunit naging mabigat ang kanyang hinarap dahil si Veronica, ang babaeng matagal nitong kinamulatan bilang ina, ang parehong babaeng sumira sa kanyang pamilya.

Sa gitna ng matinding emosyon at komprontasyon, pilit binawi ni Sonya ang anak na matagal na nawalay sa kanya.

Nang tuluyan nang mapalapit si Sonya sa katotohanan, maraming tanong ang naiwan tungkol sa tunay na kinalaman ni Oliver sa lahat ng nangyari.

Patuloy na panoorin ang Tadhana, tuwing Sabado, 3:15 ng hapon sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

Balikan ang Tadhana: The Real Daughter sa video na ito: