GMA Logo Winwyn Marquez
Celebrity Life

Winwyn Marquez, ikinuwento ang kalagayan matapos manganak

By Aimee Anoc
Published May 7, 2022 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez


Ipinanganak ni Winwyn Marquez ang kanyang panganay na si Luna Teresita Rayn noong May 1, 2022.

Isang linggo matapos manganak sa kanyang panganay na si Luna Teresita Rayn, ikinuwento ni Winwyn Marquez ang pinagdaraanan niya ngayon bilang first time mom.

Sa Instagram, ibinahagi ni Winwyn ang kanyang naging postpartum checkup kung saan, aniya, ay nakararanas siya ng kaunting sakit dahil sa tahi niya matapos ang normal delivery.

"My doctor checked my sutures dahil I was a bit of pain (normal delivery ako) but nothing serious naman, additonal meds lang and hopefully mag-heal na agad. Luna also got checked and healthy baby siya," sabi ng aktres.

Isang post na ibinahagi ni Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen)

Malaki naman ang pasasalamat ni Winwyn dahil palaging nakaalalay sa kanya ang tatay ni Luna at sinisiguro ng huli na nakapagpapahinga siya.

"I'm tired, no proper sleep, boobs are sore from breastfeeding, my body hurts, dedma sa hitsura and adjusting uli sa madaming bagong bagay but thank God for Luna's daddy kasi he has been taking care of me while I take care of our baby.

"He makes sure maka-nap ako kahit kaunti and siya gagawa ng need gawin from palit diapers, hugas ng mga pump and ibang bottles lalo na 'pag madaling araw, fixing our food, etc. Mine-make sure niya we have what we need lalo na sobrang nag-a-adjust ako sa lahat and nahihirapan nang kaunti. Kahit pagod kaming dalawa makita lang namin si Luna na maayos, worth it lahat ng pagod. Ngiti at saya pa rin ang kapalit," sabi ni Winwyn.

Sa post, ipinaabot din ng aktres ang kanyang pagbati para sa lahat ng inang katulad niya, "Advance happy Mother's Day sa lahat ng nanay and sa mga tatay na tumatayo rin bilang ina sa mga anak nila."

Samantala, tingnan ang glowing photos ni Winwyn Marquez sa gallery na ito: