
Si beauty queen actress Winwyn Marquez ang isa sa mga kontrabida sa bagong action-drama series na Never Say Die.
Gumaganap siya dito bilang Liza, leader ng isang drug malaking drug syndicate.
Para sa role na ito, kinalimutan daw muna ni Winwyn ang pagiging isang beauty queen.
"Actually, ang request nila sa akin, unlearn everything kasi I cannot see Winwyn as a beauty queen. Walang dapat makitang bahid ng pagpa-pageant. Sobrang hirap siya pero I gave everything. Sabi ko sige, let go ang pagka-beauty queen. Wala, walang ganoon and sana makita nila 'yun," pahayag niya.
Proud din si Winwyn na maging bahagi ng isang seryeng napapanahon dahil tinatalakay nito ang isyu ng katiwalian.
"Nagugulat nga silang lahat, queen of drug trade? Ha, ano daw? But it's very exciting because this is a show na matapang," lahad niya.
Ang Never Say Die ang television comeback ni Winwyn at dito muna siya magfo-focus ngayon.
Gayunpaman, bukas pa rin siya kung sakaling may pagkakataon ulit na sumali sa pageant.
"Never say die to any doors. Ang hirap eh! I've actually said that that was my last pageant, MUPH (Miss Universe Philippines). I think it was about the emotions also na parang finally nagawa ko na. When you come to think of it, you can never say die or never say never to things that can open in the future," bahagi ni Winwyn.
Patuloy na panoorin si Winwyn sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.