GMA Logo Winwyn Marquez
Source: teresitassen/IG
Celebrity Life

Winwyn Marquez, nakamit ang bagong milestone sa Global Youth Summit

By Kristian Eric Javier
Published August 8, 2025 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Major EU states condemn Trump tariff threats, consider retaliation
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez


Isang milestone para kay Miss Universe Philippines 2025 runner-up Winwyn Marquez nang magsalita sa harap ng mahigit 33,000 youth leaders sa naganap na Global Youth Summit.

Isang bagong milestone ang naabot ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez nang makakuha siya ng bihirang pagkakataon na magsalita para sa Global Youth Summit, sa harap ng libo-libong kabataan ng bansa.

Sa Instagram, nagbahagi si Winwyn ng video ng kaniyang pagsasalita sa naturang summit na ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong August 3, sa harap ng mahigit 33,000 youth leaders mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ilan sa mga paksang tinalakay ng actress-beauty queen ay women empowerment at gender equality.

Sulat ng Miss Universe Philippines 2025 runner-up sa kaniyang post, “Still feels surreal…”

“To be trusted with that space, to talk about women's empowerment and gender equality (SDG5) is something I'll always be thankful for. Isang milestone toh para sa'kin,” pagpapatuloy ng actress-beauty queen.

TINGNAN ANG MGA TRABAHONG GINAGAWA NGAYON NI WINWYN BILANG FIRST RUNNER-UP NG MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025 SA GALLERY NA ITO:

Saad pa ni Winwyn, ito ang karanasan na dadalhin niya habang buhay hindi lang dahil sa dami ng tao na dumalo sa naturang summit, kundi dahil sa energy mula sa young Filipinos na naramadaman niya. Mula rito, alam na umano ng aktres na handa nang mamuno ang mga kabataan at gumawa ng positibong pagbabago sa sambayanan.

“And as they say... when one door closes, another opens. Sometimes, it opens to 33,000+ youth leaders who are ready to change the world…,” sulat ni Winwyn.

Sa pagtatapos ng kaniyang post, pinasalamatan ni Winwyn ang Global Youth Summit para sa pagkakataon na binigay sa kaniya, at lahat ng youth leaders na dumalo at nakinig sa kaniya at sa iba pang tagapagsalita.

Ang Global Youth Summit ay isang pagdiriwang kung saan nagtitipon-tipon ang mga batang leaders at change makers. Bukod kay Winwyn, nagsalita rin ang batikan at award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho, at ang aktor na si Edward Barbers.