
Hindi napigilan ni Kapuso actress Winwyn Marquez ang mag-alala sa mga Pilipino na magbabalik trabaho ngayong araw, June 1, pagkatapos ianunsyo ang general community quarantine sa Metro Manila.
Sa kanyang Twitter, ipinahiwatig ni Winwyn ang kanyang mga nararamdaman tungkol dito at sinabing napapraning siya sa pag-aalala.
Aniya, “Ako lang ba ang napapraning sa pag-shift natin sa GCQ o kayo rin? Hindi ibig sabihin kasi ng GCQ na safe na.
“I'm aware na kailangan din mag-shift for the sake of our economy pero nakakapraning talaga.”
ako lang ba nappraning sa pag shift natin sa GCQ o kayo din?😔 hindi ibig sabihin kasi GCQ na safe na..im aware na kailangan din mag shift for the sake of our economy pero nakaka praning talaga :(
-- Teresita Ssen Marquez (@wynmarquez) May 28, 2020
Nagpaalala rin ang beauty queen sa kanyang followers na magdoble ingat dahil wala pa ring kasiguraduhan na may solusyon na sa pandemya.
“Some people be excited for June 1… paalala lang… 'yung 'G' sa GCQ is not GALA.
“590 new cases today = pero for the sake of our economy mag-GCQ na sa June 1. People, please, disiplina ang kailangan. It's in our hands… let's try to stay safe and healthy,” isinulat niya noong May 30 sa Twitter.
Some people be excited for JUNE 1.......paalala lang yung G sa GCQ is not GALA. 🤦♀️😔
-- Teresita Ssen Marquez (@wynmarquez) May 30, 2020
590 new cases today = pero for the sake of our economy mag GCQ na sa june 1. 🙏 people please disiplina ang kailangan.:( it's in our hands.. let's try to stay safe and healthy. pic.twitter.com/TUC4W5wHnx
-- Teresita Ssen Marquez (@wynmarquez) May 30, 2020
Sa comments section ni Winwyn, marami rin ang nagpaabot ng kanilang saloobin tungkol sa isyu.
Ani ng isang netizen, “Hindi ka nag-iisa… Kaso wala tayong magagawa at kailangan na raw i-save ang ekonomiya.”
Dagdag pa ng isang fan, “Same po… It's really bothering. Naiisip ko na 'yung possibility na paglobo ng kaso kasi nakatulong talaga 'yung lockdown sa pag-prevent ng pag-spread [ng virus]... ngayon hindi ko na alam mangyayari lalo na't walang ibang bagong nakahandang solusyon kasabay ng pagluluwag.”
Mga reaksyon ng netizens sa Tweet ni Winwyn Marquez / Source: @wynmarquez (Twitter)
Noong May 28, inanunsyo ni President Rodrigo Duterte na ilalagay na sa estadong general community quarantine o GCQ ang National Capital Region simula ngayong araw, June 1.
LOOK: Hottest photos of 'Reina' Winwyn Marquez
Winwyn Marquez reflects on life after celebrating birthday during ECQ