
Nakuha na sa wakas ni Winwyn Marquez ang L'Amarosa painting na matagal na umano niyang hinihingi mula sa amang si Joey Marquez.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (May 15), ikinuwento ni Winwyn na bago pa man ang pageant ay hinihingi na niya ang isang painting na itinuturing na collector's item mula kay Joey.
“I was asking for a painting that he had way before, a L'Amarosa painting. Sabi ko, 'Dad, can I have that painting? If ngayon, manalo ako?'” pag-alala ni Winwyn.
Sagot umano ni Joey sa kaniya, “No, mag top 10 ka lang, okay na, ibibigay ko sa'yo.”
Ito raw ang paraan ni Joey para ipaaalam na gusto nitong sumali ang Kapuso actress sa naturang patimpalak.
Inalala rin ni Winwyn ang bilin sa kaniya ng ama tungkol sa pagsali sa naturang beauty pageant, “Before I joined Miss Universe Philippines, Tito Boy, ang sabi niya sa akin, 'Do not join if you're after fame, or money, or anything else. If you're joining because you want to make a statement, na in you season as a mother, na kaya mong gawin, 'yun ang gawin mo.' And thats what happened.”
Ayon pa kay Winwyn, kinabukasan pagkatapos ng coronation night at sa araw ng kaniyang kaarawan, dinala ni Joey ang naturang painting sa kaniya at sinabing “This is it, anak, this is yours.”
“And he was so happy na makita niyang may first runner-up sash ako, tuwang-tuwa siya. And du'n ako, sabi ko, I love my parents for raising me the way they raised me,” aniya.
Bukod sa naturang painting, lubos-lubos na suporta rin ang pinakita ni Joey sa kaniya. Pagbabahagi ni Winwyn, may voting system ang Miss Universe Philippines at grabe umano ang ginawang pagboto ng kaniyang ama.
“Feeling ko lahat ng products, nabili na niya para iboto ako. At ang ginawa niya do'n sa products, pinamigay niya sa lahat ng kakilala niya. My dad was really invested in the pageant because he was happy that I was happy,” sabi ni Winwyn.
BALIKAN ANG PAGIGING LOLO'S GIRL NG ANAK NI WINWYN NA SI LUNA KAY JOEY MARQUEZ SA GALLERY NA ITO: