GMA Logo winwyn marquez hilarious video with joey marquez
Celebrity Life

Winwyn Marquez shares hilarious video starring dad Joey Marquez

By Cara Emmeline Garcia
Published April 10, 2020 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

winwyn marquez hilarious video with joey marquez


Lumabas ang pagka-komedyante ni Winwyn Marquez sa kanyang latest quarantine video kasama ang ama na si Joey Marquez.

Like father, like daughter ika nga.

Nanaig ang pagka-komedyante ni Kapuso actress Winwyn Marquez kagabi, April 9, pagkatapos niyang mag-post ng isang video sa Instagram.

Sa social media site, makikita si Winwyn na nakasuot ng silk robe, turban, at high heels habang inuutusan ang kanyang amang si Joey Marquez na malinis ng bahay.

Aniya sa caption, “Pinamagatang: Joey! Naglinis ka na ba? @tsong_marquez.”

Paliwanag pa ni Winwyn, “Skit lang po ito. Araw-araw po kami naglilinis. I just wanted to make everyone laugh”

Kitang-kita sa video ang pagkatuwa ni Joey habang pinapanood ang kanyang anak.

Pinamagatang: Joey! Naglinis ka na ba? 😂 @tsong_marquez (skit lang po ito araw araw po kami nag lilinis i just wanted to make everyone laugh.. 😅)

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on


Patok na patok ang video na ito sa ilang kaibigan ni Winwyn kabilang sina Sanya Lopez, Laura Lehmann, at Maxine Medina.

Umani na ng mahigit 85,000 views ang nasabing post sa social media platform.

Huling nagkasama ang mag-ama sa TikTok video ng kapatid ni Winwyn na si Vitto, kung saan sila ay sumasayaw sa kanta ni Wiz Khalifa na “Something New.”

and TSONG Joey joined. 😅 giving you all some good vibes from our family. 🤗 follow @hashtag_vitto on tiktok : @vitto.marquez (solid ka napapayag mo si daddy vitto haha)

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on


Winwyn Marquez on COVID-19 situation in PH: “Let's just help each other instead of arguing about politics”

#UntilTomorrow: Pinoy celebs and their 'embarrassing' childhood photos