
Muling bumisita ang aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez sa noontime variety show na It's Showtime kamakailan.
Kasali ang Miss Universe Philippines 2025 first runner up sa “Kidsona” segment ng programa kung saan kakampi niya ang host na si Jhong Hilario. Bago nagsimula ang segment ay ipinakilala muna ang bawat team at pangmalakasan ang naging introduction para sa guest celebrity.
Ipinakita ni Winwyn ang kanyang signature walk sa red carpet habang ipinakilala siya ni Jhong na pang-beauty pageant ang dating.
“Winwyn hails all the way from Muntinlupa City. She is a Filipina actress and beauty pageant title holder. She was crowned the first Reina Hispanoamericana 2017 and Miss Universe Philippines [2025] first runner up. She loves to dance and she believes that she will never lose because she is Winwyn!” ani Jhong.
Matatandaan na bumisita si Winwyn sa It's Showtime noong 2024 at sumalang sa “And The Breadwinner Is” segment.
Itinanghal si Winwyn bilang first runner up sa Miss Universe Philippines 2025 pageant, na naganap noong Mayo.
Ang Sparkle actress din ay ang kauna-unahang Filipina na nagwagi bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.
TINGNAN ANG SEXY MOM LOOKS NI WINWYN MARQUEZ SA GALLERY NA ITO: