What's Hot

Winwyn Marquez, tuloy ang training para maging ganap na PH Navy reservist

By Dianara Alegre
Published September 4, 2020 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez


Nagsimula na nitong Agosto ang training ni Winwyn Marquez para maging isang ganap na Philippine Navy reservist.

Sa kabila ng COVID-19 pandemic ay tuloy pa rin ang training ni actress-beauty queen Winwyn Marquez para maging isang ganap na Philippine Navy Reservist.

Kamakailan ay sumabak na si Winwyn sa kanyang basic citizen military course.

Winwyn Marquez

Winwyn Marquez

Source: teresitassen (IG)

Sa ulat ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres na hindi umano biro ang training lalo na dahil may banta pa ng COVID-19 sa bansa at mariin nilang sinusunod ang safety protocols.

“May mga physical activities kami. We have to run, we have to do calisthenics, and it's really hard to breathe lalo na kapag naka-mask.

“'Yun 'yung struggle namin pero kinakaya namin kasi alam namin na safety first talaga. Minsan naka-face shield pa kami kahit tumatakbo kami,” aniya.

Pero bago sumabak sa training ay nag-warm up si Winwyn sa physical activities na pagdadaanan niya sa pamamagitan ng pagwo-workout habang naka-quarantine.

Dagdag pa niya, isa ang aktor at kaibigan niyang si Rocco Nacino, na isa nang ganap na PH Navy reservist, sa mga nag-impluwensiya sa kanya.

“I want to learn more about how I can help my family and people around me. Tamang way in case of emergency,” lahad pa niya.

Ikinagulat naman umano ng mga magulang niya na sina Joey Marquez at Alma Moreano ang kanyang naging desisyon.

“Kasi my dad just saw it on my Instagram. Bigla niya akong tinawagan, 'Ano na naman 'yung pinasok mo? Ano ginawa mo? Bakit 'di mo sinabi sa amin?'

“Pati si Mama sabi niya, 'Ano bang pumapasok sa isip mo?'

“Pero in-explain ko naman sa kanila and they know that I'm interested naman sa mga ganitong bagay. When I explained 'yung purpose ko din of joining, they understood,” dagdag pa ng aktres.

BCMC CLASS 01 2020 - Class President, Marquez. Hooyah!! #PhNavyReserveForce * *Congrats sa lahat! Class 01 lets do this.. 🙌 Strict protocol was followed and everyone was required to do a rapid test before anything else. ✊

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

Bukod sa korona at titulong 2017 Reina Hispanoamericana, excited na rin umano siyang may madagdag na titulo sa kanyang pangalan.

“I'm looking forward kasi I'm going to wear the uniform with my name on it. Achievement na rin siya for me, for the country, and for the people I love,” aniya.

Noong Pebrero inanunsiyo ni Winwyn ang pagsapi niya sa Philippine Navy bilang isang reservist. Sa Nobyembre magtatapos ang kanyang training.

Samantala, nakatakda nang magbalik-trabaho si Winwyn dahil tampok siya sa nalalapit nang pag-ere ng bagong Kapuso special TV series.