GMA Logo wish ko lang
What's Hot

Wish Ko Lang: Baka na nagwala, bakit inararo ang 10-year-old na bata?

By Aimee Anoc
Published March 24, 2022 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 piloto, nasawi sa pagbagsak ng air cargo plane sa Coron, Palawan
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

wish ko lang


Abangan ang natatanging pagganap nina Gabby Eigenmann, David Remo, Bernadette Allyson, Sue Prado, at Zymic Jaranilla sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Away bata, mauuwi sa matinding disgrasya!

Tampok ngayon Sabado sa "Bespren" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng isang 10-year-old na bata sa probinsya ng Bicol na inararo ng alagang baka. Bibigyang-buhay ni David Remo ang ito.

Wish Ko Lang

Matulungin na bata si Totoy (David Remo) sa kanyang mga magulang na sina Lorelyn (Bernadette Allyson) at Trix (Gabby Eigenmann). Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga walis at iba pang mga gamit, nakapagdadagdag siya ng panggastos ng pamilya.

Kasama rin palagi ni Totoy sa pagbebenta ang alagang baka, na itinuturing niya na ring best friend. Dahil palagi niyang kasama ang alagang baka, naging tampulan siya ng tukso na minsan ay nauwi sa away.

Wish Ko Lang

Pero sapat bang dahilan ito para magkagulo na rin ang mga nakatatanda? Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit nagawang suwagin si Totoy ng alagang baka?

Huwag palampasin ang nakaaantig na mga tagpo sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, March 26, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa ang child star na si David Remo sa gallery na ito: