GMA Logo Ara Mina and Paolo Paraiso
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

'Wish Ko Lang' episode trailer nina Ara Mina at Paolo Paraiso, milyon-milyon ang views

By Aimee Anoc
Published June 15, 2022 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Senate votes to curb military action in Venezuela, Trump says oversight could last years
All-out search for missing workers in landslide at Cebu landfill

Article Inside Page


Showbiz News

Ara Mina and Paolo Paraiso


Pagbibidahan ngayong Sabado ni Ara Mina ang kuwento ng misis na si Nida sa "Tsismis" episode ng 'Wish Ko Lang.'

Mahigit 2.2 million views na ang inabot ng trailer para sa Wish Ko Lang: "Tsismis" episode na ipapalabas ngayong Sabado, June 18.

Tampok ang kuwento ng misis na si Nida (Ara Mina) at ang dalawa niyang kaibigan na sina Millet (JC Parker) at Osang (Sheree) na kapwa nagkaroon ng relasyon sa kanyang asawa na si Tonton (Paolo Paraiso).

Makakasama rin ni Ara Mina sa episode na ito sina Athena Madrid, Nena Reyes at ang social media star na si Pipay.

Huwag palampasin ang maiinit na tagpo ngayong Sabado sa "Tsismis" episode ng Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang dreamy wedding nina Ara Mina at Dave Almarinez sa gallery na ito: