
Tampok ngayong Sabado sa Wish Ko Lang ang kuwento ng estudyanteng si Gio, na naospital matapos na hagisan ng tape sa ulo ng isang guro.
Bibigyang buhay ni Zyren dela Cruz ang kuwento ni Gio sa "Wish Ko Lang: Estudyante, Binato ng Tape!"
Makakasama rin ni Zyren sa episode na ito sina Glenda Garcia (Ma'am Salazar), James Graham (Tony), Jan Marini (Lenlen), Gerard Pizarras (Onat), Tanya Ramos (Jessica), Alexis Vines (Donna), Anne Garcia (Ma'am Reyes), Dang Cruz (Ebeth), at Aidan Veneracion (Rod).
Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang, na mayroon na ngayong mahigit 1.2 million views sa Facebook, labis na galit ang ipinapakita ni Ma'am Salazar sa tuwing makagagawa ng pagkakamali ang kanyang mga estudyante.
Nang minsang mahuling nagtatawanan ang magkakaibigang Gio, Rod, at Tony sa kanyang klase ay hinagisan niya ng tape ang mga ito at natamaan sa ulo si Gio. Maya-maya pa ay natumba na lamang ang binata at isinugod sa ospital.
Napag-alamang may namuong dugo sa ulo ni Gio, at dahil dito, nalagay sa kritikal ang kalagayan nito at kinakailangang maoperahan.
Huwag palampasin ang "Estudyante, Binato ng Tape!" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN SI TANYA RAMOS SA GALLERY NA ITO: