GMA Logo maui taylor and jon lucas
What's Hot

Wish Ko Lang: Kasambahay, itinali sa basement at ginawan ng kahalayan ng amo!

By Racquel Quieta
Published February 18, 2021 7:18 PM PHT
Updated February 19, 2021 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GenSan targets zero firecracker-related injuries; code white alert up
Star of Bethlehem, West Philippine Sea feature in Toym Imao installation
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

maui taylor and jon lucas


Paano kaya matatakasan ng kasambahay na si Amanda ang manyak at sadista niyang amo na si Elmo?

Nakakaiskandalo ang episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado. Hindi lang dahil mahilig sa pakikipagtalik ang isang mister kung hindi kakaiba ang trip nitong gawin sa kanyang misis. Ang malala pa, pati ang kanilang kasambahay ay ginawan niya ng kahalayan!

episode posterIsang nakakaiskandalong kwento ang tampok sa bagong Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

Sa episode na “Babae sa Basement,” gaganap ang former Viva Hot Babes member na si Maui Taylor bilang si Amanda, isang ulirang ina na mamamasukan bilang kasambahay upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang anak.

Ang aktor naman na si Biboy Ramirez ang gaganap bilang kanyang mister na si Rene at ang young actress na si Shanelle Agustin naman ang gaganap bilang ang anak nilang si Jerica.

maui taylor biboy ramirez and shanelle agustinSina Maui Taylor, Biboy Ramirez at Shanelle Agustin / Source: Wish Ko Lang

Tutol si Rene na mamasukan bilang kasambahay si Amanda. Ayon sa kanya, mahirap at delikado ito lalo na at maganda siya at may asim pa, maaari siyang makursunadahan ng iba.

Batid ni Amanda na maaaring nagseselos lamang ang kanyang asawa dahil malalayo siya sa kanila, at sinigurado niya rito na wala naman siyang ibang magugustuhan kapag siya ay namasukan na.

Dagdag pa niya, sayang naman ang malaking sahod na puwede niyang kitain na maaari nilang gamitin sa pag-aaral ng kanilang unica hija na si Jerica.

ashley rivera and jon lucasSina Ashley Rivera at Jon Lucas bilang mag-asawang sina Marissa at Elmo / Source: Wish Ko Lang

Magara at may kalakihan ang bahay ng naging amo ni Amanda. Sa simula ay tila wala namang magiging problema si Amanda sa kanyang amo na sina Marissa (Ashley Rivera) at Elmo (Jon Lucas), ngunit unti-unti siyang may mapapansin na kakaiba sa mag-asawa.

Isa sa mga unang kakaibang bagay na napansin ni Amanda ay ang bilin ni Marissa na bawal linisin ang kwarto sa basement, na tila ba may itinatago ang mag-asawa doon.

Sumunod naman niyang napansin ay ang tila pang-aakit ng kanyang among lalaki na si Elmo.

Minsan nang nagsasampay siya ng kanyang nilabhan na mga damit ay nakita niya itong nagwo-workout sa gym.

At nang maramdaman niyang nakatanaw si Amanda ay naghubad ito ng pang-itaas upang makita ni Amanda ang kanyang magandang pangangatawan.

Minsan pa nga ay lumapit si Elmo kay Amanda habang nasa kusina ito. Wala itong suot na pang-itaas at pinilit pa niya si Amanda na hawakan ang kaniyang maskuladong braso.

maui taylor and jon lucasIsa sa mga eksena ng pang-aakit ng karakter ni Jon Lucas / Source: Wish Ko Lang

Bukod sa pagiging manyak ng kanyang amo na si Elmo, may mas malala pa pala siyang malalaman sa pagkato nito.

Kinalaunan ay nadiskubre ni Amanda na ang kwarto pala sa basement ay nagsisilbing “sex den” ng mag-asawa kung saan sinasaktan at ginagawan ng kababuyan ni Elmo ang kaniyang asawa na si Marissa tuwing sila'y magtatalik.

maui taylor and ashley rivera

Isa palang sex den ng mag-asawa ang kanilang basement / Source: Wish Ko Lang

Ang hindi alam ni Amanda ay isang araw ay magigising na lamang siya nang nakatali sa basement at siya naman ang paglalaruan at gagawan ng kahayupan ng kanyang amo na si Elmo.

maui taylor and jon lucasPaano kaya makakatakas si Amanda mula sa kamay ng kayang manyak at sadistang amo? / Source: Wish Ko Lang

Paano kaya makakaligtas si Amanda mula sa kamay ng kanyang manyak na amo? At paano kaya maaapektuhan ang kanyang pamilya nito?

Alamin kung paano bibigyan ng bagong simula ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales si Amanda at ang kanyang pamilya sa bagong 'Wish Ko Lang,' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide visit www.gmapinoytv.com.

Vicky Morales grateful for warm reception to all-new 'Wish Ko Lang' episodes