
Ngayong Sabado, panibagong kwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon ang handog ng Wish Ko Lang.
Tampok sa "Pagtitiis" episode ang buhay ni Neliza, na bibigyang buhay ni Kris Bernal, isang misis na matagal nang nagtitiis sa paulit-ulit na pambabae ng kanyang mister na si Kevin (Arnold Reyes).
Sa kabila ng panloloko ni Kevin, paulit-ulit din itong binibigyan ng panibagong pagkakataon ni Neliza na magbago. Pero inabot na ng mahigit isang dekada ang paghihintay ni Neliza na magbago ang asawa.
Sa paghihiganti sa mister, magagawa kaya niya itong lasunin?
Makakasama ni Kris at Arnold sa "Pagtitiis" episode sina Tanya Gomez, Claire Castro, Jen Rosendahl, Dayara Shane, at Bench Hipolito.
Huwag palampasin ang kaabang-abang na mga tagpo ngayong Sabado, March 19, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tinangnan ang sexiest looks ni Kris Bernal sa gallery na ito: