GMA Logo wish ko lang title card
What's Hot

Wish Ko Lang, magbabalik-telebisyon na ngayong July!

By Racquel Quieta
Published June 28, 2020 2:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

wish ko lang title card


Walang imposible kahit sa panahon ng pandemya dahil magbabalik na ang 'Wish Ko Lang' ngayong July!

Mayroon bang hiling ang puso mo na nais mong matupad? Puwes, manalig ka lang, Kapuso, dahil walang imposible kahit sa panahon ng pandemya, lalo na dahil magbabalik ang programang hatid ay inspirasyon at pag-asa, ang Wish Ko Lang.

Magbabalik na ang Wish Ko Lang ngayong July!

Sa loob ng halos dalawang dekada, ang Kapuso program na Wish Ko Lang ay walang sawang tumulong at naghatid ng magandang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.

At talaga namang napapanahon ang pagbabalik-telebisyon nito dahil maraming Pinoy ang dumaranas ng hirap ngayong may pandemya, lalo na ang mga tinamaan ng COVID-19, ang mga nagsasakripisyong frontliners, at ang mga nawalan ng kabuhayan dahil sa community quarantine.

Kaya abangan ang pagbabalik telebisyon ng Wish Ko Lang ngayong Hulyo sa GMA-7.

Magbabalik ang isang Kapuso program para tuparin ang iyong hiling!

WATCH: Who made 'Wish Ko Lang' host Vicky Morales cry?