
Isa na namang kwentong kapupulutan ng aral ang handog ng Wish Ko Lang sa "Duwende" episode ngayong Sabado, February 26.
Bibigyang buhay ni Myrtle Sarrosa ang kuwento ni Queenie, isang dalagang isinumpa diumano ng duwende kaya biglaang nasira ang mukha.
Makakasama rin ni Myrtle sa episode na ito sina Joaquin Manansala, Rita Avila, Neil Ryan Sese, Yvette Sanchez, John Arcenas, at Bea Torres.
Siimula raw nang matapakan at masira ni Queenie (Myrtle Sarrosa) ang tila bahay ng duwende, unti-unti na ring nasira ang ilong niya. Ang sabi pa ng albularyo sa dalaga ay isinumpa siya ng mga duwende dahil sa nangyari.
Ganoon din ang paniniwala ng tiyuhin niyang si Nino (Neil Ryan Sese). Tunay nga bang parusa ng duwende ang dahilan sa biglaang pagkasira ng ilong ni Queenie?
Huwag palampasin ang kaabang-abang na mga tagpo sa "Duwende" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-kuwatro ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Myrtle Sarrosa sa gallery na ito: