
Ngayong Sabado, tampok sa "Kalbaryo" episode ng Wish Ko Lang ang buhay ng isang transwoman na si Miss Meggy at ang pagharap niya sa mapanghusgang mundo.
Simula nang ipaalam ni Jonjon (Nathan Lopez) ang tunay na pagkatao bilang si Miss Meggy, pambubugbog at masasakit na salita ang madalas na natatanggap niya mula sa amang si Jerry (Mon Confiado).
Halos araw-araw na pambabastos naman ang tinitiis niya sa construction site na pinagtatrabahuhan may pera lamang na maiuwi sa pamilya.
Pero mas titindi ang pagsubok na haharapin ni Miss Meggy sa pagdating ng inaakala niyang Prince Charming na si AJ (Kristoffer Martin).
Anong panibagong kalbaryo kaya ang daranasin ni Miss Meggy sa lalaking inaakala niyang tunay na magmamahal sa kaniya?
Makakasama rin sa "Kalbaryo" episode sina Rochelle Barrameda, Yvette Sanchez, at Ychan Laurenz.
Huwag palampasin ang maiinit na tagpo ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang noong 2021 sa gallery na ito: