
Patuloy pa rin ang masaya at exciting na month-long anniversary episodes ng Family Feud!
Sa Lunes, March 9, magtatapat ang dalawang biggest forces in Philippine social media. Ang funny and unfiltered Beks Battalion at ang vibrantly "no bashers" Laude Family.
Ang Beks Battalion ay pinangungunahan ng beteranong stand-up comedian na si Chad Kinis. Walang dull moments ngayong Lunes dahil makakasama pa niya ang mga witty niyang kaibigan na sina MC Muah, Lassy, at Beki Velo.
Dadalhin ng Laude Family ang kanilang signature na “it's so nice!” energy sa Family Feud. Mangunguna sa team Laude Family ang socialite at top content creator na si Small Laude. Kasama niya ang kanyang mga anak na makipagsabayan sa saya na sina PJ Laude, Michael Laude, at Timothy Laude.
Matagal na raw wish ni Small na makalaban sa Family Feud ang Beks Battalion. Ngayong nagkaroon na ito ng katuparan, maipanalo kaya nila ang laban o meron silang pagsisisihan?
Abangan ang battle of wits, instinct, and pure comedic timing ng viral personalities sa Family Feud ngayong March 9, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Delightfully Deceitful, Encantadia Chronicles: Sang'gre, at Never Say Die.
Family Feud Guess More Win More Promo, magbibigay ng papremyo mula hapon hanggang gabi simula March 2!