
Swak na swak para sa mga aspiring digital nomads ang episode ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes.
From freelancers to small entrepreneurs, usong-uso na ang remote working set-up para sa mga nagnanais na kumawala sa traditional corporate setting.
Bukod kasi sa less stress ay nagagawa mo pang isingit ang travel at leisure, at mamili ng lugar na kung saan ay gusto mong mamalagi.
At isa nga sa paboritong puntahan ng mga tinaguriang digital nomads ay ang surfing haven na La Union o Elyu.
'Yan ang sisilipin ni Drew Arellano, na tutulasin kung paano nga ba namumuhay ang mga remote workers sa La Union.
Mahirap kaya mag-focus? Paano ang daily budget? Ano ang tamang diskarte?
Ang sarap siguro mag-virtual meeting na tunay na beach ang background, o 'di kaya ay mag-unwind habang naglalakad sa buhangin, o kaya ay tapusin ang araw habang pinapanood ang magandang sunset.
Siyempre, susubukan din ni Drew ang mga pagkain na click na click sa mga taga Elyu.
Kaya sit back, relax, and take notes mga Kapuso dahil baka perfect sa 'yo ang digital nomad lifestyle with matching picturesque La Union views.
Manood ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, June 4, 5:45 p.m. sa GTV.