
Isang matinding sports showdown ang mapapanood ngayong Huwebes sa Family Feud.
Ngayong July 23, tampok ang Pinoy athletes na sina Jaja Santiago at Jamie Christine Berberabe Lim sa tapatang Santiago Family at Karate Kids!
Pangungunahan ng volleyball star na si Jaja Santiago ang Santiago Family. Kilala si Jaja bilang kauna-unahang Filipina na nagkampeon at nag-uwi ng gold medal sa top division ng Japanese volleyball league.
Kasama niya sa laban ang kapatid na si Axel Santiago, volleyball champion sa UAAP Season 75. Kasama rin si Diane Santiago, dating team manager at ngayon ay virtual assistant, at si Lenard Santiago, dating NU Bulldog at kasalukuyang naglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Makakatapat nila ang Karate Kids, isang grupo ng magkakaibigang matagal nang magkasama simula pa sa kanilang martial arts training.
Pinangungunahan ang team ni Jamie Christine Berberabe Lim na two-time SEA Games gold medalist at Asian Championships silver medalist. Bukod sa pagiging world-class athlete, ipinagmamalaki rin ni Jamie ang pagiging summa cum laude graduate ng UP Diliman. Siya rin ang anak ng yumaong PBA legend na si Samboy Lim at ni Solicitor General Atty. Darlene Berberabe.
Kasama niya sa team sina Jordan Guevara, isang business development supervisor; Charles Navarro, isang business analyst; at Regina Torres, isang preschool teacher.
Abangan ang tapatang ito sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 23, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.