GMA Logo PREMIERE
What's on TV

World premiere ng 'Abot Kamay Na Pangarap,' mamaya na!

By EJ Chua
Published September 5, 2022 9:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

PREMIERE


Mag-ina na sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward), makikilala na ng mga Kapuso! Abangan ang world premiere ng 'Abot Kamay Na Pangarap,' mapapanood na mamayang 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mga Kapuso, oras na para muling ma-inspire!

Inihahandog ng GMA-7 ang panibagong drama series na pinamagatang Abot Kamay Na Pangarap.

Mapapanood na ang pilot episode ng bagong GMA Afternoon Prime series, mamayang 2:30 p.m.

Ito ay pagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward, kung saan bibigyang buhay nila ang mga karakter ng mag-inang Lyneth at Analyn Santos.

Sa bagong serye na ito, tiyak na maraming manonood ang makaka-relate sa kahanga-hanga at nakaaantig na kuwento ng kanilang buhay.

Gaano nga ba kahalaga ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak at anak sa kaniyang ina?

Paano kaya nila mamahalin at susuportahan ang isa't isa?

Magpapadala kaya sila sa mahihirap na sitwasyon at mga taong pipigilan silang maabot ang kanilang mga pangarap?

Sinu-sino nga ba ang mga hahadlang at tutulong kina Lyneth at Analyn?

Panoorin ang official trailer ng Abot Kamay Na Pangarap DITO:

Huwag palampasin ang world premiere ng Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood na mamaya, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY NA ITO: