
Nag-ingay at pinag-usapan online ng viewers at fans ang pasabog na pilot episode ng Apoy sa Dugo.
Sa pagsisimula ng serye sa GMA Afternoon Prime noong Lunes, March 2, agad itong pinag-usapan at nag-trend sa X (dating Twitter) ang hashtag na “ApoySaDugoSISzlingWar,” na isa sa mga nanguna sa Philippine trends.
Humakot din ng higit 1 million views ang pilot episode online.
Napanood sa pilot episode ang pamilya ng mga karakter nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, at Patricia Coma. Lumabas na rin ang role ni Thea Tolentino na isa sa mga kaiinisan sa serye.
Ipinakita rin na makikilala na ni Elle ang kanyang long-lost sister na si Ashley Ortega.
Sa patikim na mainit na eksena, nag-react agad ang netizens at sinabi nila na isa na ang Apoy sa Dugo sa mga aabangan nilang serye tuwing hapon.
Agad ding nainis ang viewers at fans sa karakter ni Pinky, samantalang pinuri si Elle sa kanyang ganda at husay sa pag-arte.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers at fans sa world premiere ng Apoy sa Dugo:
Patuloy na subaybayan ang Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/apoy_sa_dugo.
RELATED GALLERY: Cast ng 'Apoy sa Dugo,' ipinakilala na