
Isang engrandeng pasabog sa world premiere ang natunghayan ng Dance Universe sa pagbabalik ng Stars on the Floor 2026.
Sa pilot episode pa lang, mainit na agad ang suporta ng mga manonood at panalo sa ratings ang naturang programa.
Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement, para sa world premiere noong Linggo, February 15, nagtala ang dance show ng 7.8 percent people rating sa NUTAM.
Samantala, nakapagtala naman ang katapat nitong mga programa ng 2.7 percent at 0.8 percent.
Ipinakilala sa pilot episode ang lineup ng celebrity dance stars na sina Rocco Nacino, Paul Salas, Sugar Mercado, at Chanty Videla. Mayroon ding isa pang mystery na celebrity dance star na magpapakilala sa susunod na episode.
Umarangkada rin sa dance floor ang P-pop dance stars na sina 1st.One Joker, Calista Denise, KAIA Sophia, HORI7ON Jeromy, at Alamat Jao.
Maki-update at panoorin ang highlights ng Stars on the Floor dito:
Patuloy na tutukan ang Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube channel ng GMA Network, at sa GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor' 2026: Meet the celebrity dance stars