
Ipinalabas na ang pilot episode ng nakaantig na second installment ng drama-anthology series na Stories From The Heart, ang Never Say Goodbye kahapon, October 18.
Nakilala dito ang mga karakater nina Kapuso stars Klea Pineda (Joyce Kintanar), Jak Roberto (Bruce Pelaez), at Lauren Young (Victoria Flores).
Bukod dito, natunghayan din ang roles nina veteran actress Snooky Serna (Susan Kintanar), Max Eigenmann (Jack Kintanar), Herlene “Sexy Hipon” Budol (Alana Santos), Luke Conde (Edwin Cabrera), Kim Rodriguez (Lily Pelaez), at Phytos Ramirez (Joshua Quinto).
Matapos ang world premiere ng Never Say Goodbye, iba't ibang reaksyon ang ibinahagi ng netizens sa social media.
Ang ilan ay natuwa dahil sa mga nakakakilig na eksena nina Klea (Joyce) at Jak (Bruce).
Photo courtesy: @eynjalxx @Xantophile31 (Twitter)
Ramdam naman ang emosyon ng ilang netizens dahil sa mga larawan na nagpapakita ng mga nakakalungkot na eksena.
Photo courtesy: @CHIKApuso7 (Twitter)
May ilang netizens din ang nagbahagi ng kani-kanilang kuwento tungkol sa pag-ibig matapos ang unang episode.
Photo courtesy: @itsangeltuazon (Twitter)
Mayroon ding pumuri sa angking galing ng Kapuso Network pagdating sa paggawa ng isang show dahil hindi lamang daw istorya ang nabigyan pansin kundi pati ang cinematography at iba pang technical na aspeto.
Photo courtesy: @ampalayamadness
Patuloy na subaybayan ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng lock-in taping ng Team Never Say Goodbye sa gallery na ito: