Nag-trend sa social media ang premiere ng 'Wowowin' ngayong Linggo, May 10.
By AEDRIANNE ACAR
Nag-trend ang pagbabalik telebisyon ni Willie Revillame sa social media. Nasa ikalawang spot ang #Wowowin sa Philippine Trends on Twitter ngayong Linggo, May 10.
Bago pa man umere ang nasabing programa, marami na sa mga fans ni Willie ang nag-camp out kagabi (May 9) sa studio ng Wowowin sa Kalayaan Avenue, Diliman Quezon City.
Sa mga larawan na ipinost sa Instagram, makikita ang makapal na taong matiyagang naghintay sa labas ng studio.
One year at seven months nawala sa himpapawid si Willie at Marso 2015 nang pumirma siya ng kontrata sa Kapuso Network upang maipalabas ang kanyang programa.
Ilan sa mga fans na nagpunta ay may dalang posters na bumabati sa pagbabalik niya.