Aabot daw sa 300 na mananayaw ang matutunghayan sa kaabang-abang na opening number ng mga Wowowin girls.
By CHERRY SUN
Katulad ng pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame ay kapanapanabik din ang magiging opening number ng Wowowin dahil first time daw itong gagawin on Philippine TV.
Mismong si Willie at ang show director na si Randy Santiago ang tumututok sa rehearsals na ginaganap sa helipad ng building ng Kapuso host. Ang mag-inang sina Geleen at Miggy Eugenio naman ang nangunguna sa dance choreography ng naturang programa.
“Pasabog na pinaghirapan. Lahat ng best choreographers ay nagtatrabaho ngayon, the best dancers are now doing their part. It’s all a collaboration of everybody,” wika ng beteranang Kapuso choreographer.
Aabot daw sa 300 na mananayaw ang matutunghayan sa kaabang-abang na opening number. Kabilang dito ay ang nagbabalik-telebisyon ding mga dati nang dancers ni Willie na makikilala ngayon bilang Wowowin girls.
“This was the idea of Kuya Wil, na magsama-sama ulit. The originals since the past shows. This was Kuya’s idea so sana mapasaya namin lahat ng mga viewers, mga bagong manonood at aabang sa amin,” sambit ni Karen Ortua.