What's on TV

Ganoon pala iyon – TomDen sa pagrampa in underwear

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 11, 2020 3:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Maulit pa kaya iyon?


First time na rumampa nang naka-skimpy underwear nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo o TomDen sa The Naked Truth denim and underwear show noong Sept. 19.

“Ganoon pala iyon. Nakakakaba,” ani Tom.

Sa parte naman ni Dennis, “First time akong ma-expose na ganoon lang ang suot. First time kong rumampa sa napakaraming tao.”

Ang kanilang almost-kiss scene ang nagpakilig sa marami, at hindi pa rin sila makapaniwala na sariwa pa rin sa mga tao ang kanilang tambalan sa My Husband’s Lover.  

“Kung doon sila natutuwa, e, di ibigay natin,” sabi ni Dennis.

“Okay lang,” dagdag naman ni Tom. “Part of the show.”

Pinabulaanan ni Tom na nagsuot siya ng padding sa ilalim ng kanyang skimpy brief.

“Hindi, wala. Saan mo itatago pa? Wala na e,” sabi niyang medyo natatawa.

Hindi raw siya tumitingin sa crowd habang naglalakad sa runway para hindi siya mailang.