Tunghayan ang panibagong season ng 'Toriko,' simula August 24, pagkatapos ng 'Hunter X Hunter.'
By MARAH RUIZ
Unti-unti nang nabubuo ng Gourmet Hunter na si Toriko ang pinapangarap niyang full course meal. Abangan pa ang mga kakaibang mga hayop at pagkain na ihahanda niya sa bagong season ng Toriko!
Mahanap kaya niya ang mga sangkap na naririnig lamang sa mga alamat? Mapigilan pa ba niya ang Gourmet Corps na gustong gumawa ng monopolya sa supply ng mga pagkain sa mundo.
Tunghayan ang panibagong season ng Toriko, simula August 24, pagkatapos ng Hunter X Hunter sa nagpapa-astig sa inyong mga umaga, ang GMA Astig Authority!