Article Inside Page
Showbiz News
Paano lalabanan ni Goku ang isang imortal? Huwag palampasin ang isa na namang adventure-packed story sa 'Dragon Ball Fight! Presents: Dragon Ball Z!'
Nais ni Garlic Jr. na maghiganti para sa kanyang ama na nakakulong sa Dead Zone.
Kaya naman gagawin niya ang lahat para siya ang maghari sa buong mundo. Kasama ang kanyang mga tagapaglingkod na sina Nicky, Ginger at Sansho, iipunin niya ang mga Dragon Balls para hilingin kay Shenron na gawin siyang imortal.
Sa paghahanap nila, dudukutin nila si Gohan para makuha ang Dragon Ball na nakakabit sa sumbrero nito.
To the rescue naman si Goku para mabawi ang kanyang anak! Kaya lang, nagtagumpay na si Garlic Jr. sa paghingi ng imortalidad kay Shenron.
Paano lalabanan ni Goku ang isang imortal? Mabawi pa ba niya ang kanyang anak na si Gohan?
Tunghayan ang
Dragon Ball Fight! Presents: Dragon Ball Z! Panoorin ang Part 1 sa August 29, pagkatapos ng
Cross Fight B-Daman at ang Part 2 naman sa August 30, pagkatapos ng
Kamen Rider OOO.