Hindi pa man kinukumpirma ang kanilang relasyon at nagliligawan pa lang, hindi na nga ba happy ending ang pagmamahalan nina Wyn Marquez at Mark Herras? Ito ang kuwentuwaang pagbibidahan ng dalawang Kapuso stars sa Dear Uge ngayong Linggo, May 15.
Gaganap si Wyn bilang Myrna at si Mark bilang si Nestor, ang magkinakapatid na kahit sa problema hanggang sa love life ay laging magkaramay. Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan ay unti-unting mahuhulog si Myrna kay Nestor.
Ngunit paano na ang nararamdaman niya kung may girlfriend si Nestor at kung maaaring hadlangan sila ng ninang niya? Ano kaya ang mangyayari sa byaheng pag-ibig ng dalawa?
Samahan si Eugene Domingo sa pagsubaybay sa kanilang kuwentuwaan. Tutok na ngayon Linggo, May 15 sa Dear Uge, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.