What's Hot

Wyn Marquez clarifies her statement about trans women joining Miss Universe

By Jansen Ramos
Published July 14, 2018 4:14 PM PHT
Updated July 14, 2018 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News



Wyn Marquez to her critics: "Sana lang, basahin natin nang maayos ang kumpletong sagot. At sana 'wag na lang tayong mambastos at mag-name call."
 

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

 

Ipinahayag ni Kapuso actress at Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen Marquez, o mas kilala bilang Wyn Marquez, ang kanyang pagkadismaya sa mga hindi nakakaintindi sa kanyang opinyon tungkol sa pagsali ng mga trans women sa Miss Universe pageant.

Aniya, nirerespeto pa rin niya ang desisyon ng Miss Universe Organization na isali ang mga trans women sa kompetisyon gaya ng pambato ng Spain na si Angela Ponce kahit na naniniwala siyang para ito sa mga natural-born women.

 

"'Wag lang po sana hanggang headline lang tayo. I said I would prefer that Miss U would have natural-born women, but I will support Angela and the Miss U org in any endeavor they choose to commit themselves to. If pasasalihin talaga, then I have no problem with it and we all have to accept and respect 'yung decision, kahit iba ang opinyon ko." paglilinaw ng Kapuso beauty queen.

Ginawa pang halimbawa ni Wyn ang kanyang pagsali sa Reina Hispanoamericana kung saan nakatanggap din siya ng mga negatibong komento.

"Parang nung INIMBITAHAN na sumali ang PH sa RHA, madami nag-react at nagbigay ng sariling opinyon nila. 'Yung ibang hindi sang-ayon na sumali ako pero nirespeto pa rin nila ang decision ng org at NIRESPETO din nila ako at hindi binastos," bahagi niya.

Hinakayat pa ng aktres ang mga tao na pag-usapan ang ganitong mga isyu pero pakiusap niya, sana daw ay matuto tayong rumespeto sa opinyon ng iba.

Saad niya, "I am proud of the LGBTQ movement and how far they've come. Napakarami kong kaibigan na members ng LGBTQ. It's good to have discussions on this topic and I encourage more people to come out with their opinions whether pro or against. Sana lang, basahin natin nang maayos ang kumpletong sagot. At sana 'wag na lang tayong mambastos at mag-name call."