Article Inside Page
Showbiz News
Excited si Wyn sa bago niyang proyekto, lalo na't magtatapos na rin ang suspenseryeng 'Dormitoryo' kung saan isa siya sa mga lead stars. Alamin kung ano kaya ang bagong karakter na gagampanan ng aktres sa telefantasya na dapat abangan sa 2014.

Sa pagbabalik ni Louise delos Reyes sa primetime bilang bida ng
Kambal Sirena, magbabalik din bilang kontrabida ang actress-dancer na si Wyn Marquez. Unang nagkasama ang dalawa sa Telebabad series na
One True Love, kung saan napansin ang pagiging epektibong kontrabida ni Wyn.
Excited si Wyn sa bago niyang proyekto, lalo na't magtatapos na rin ang suspenseryeng
Dormitoryo kung saan isa siya sa mga lead stars.
"Excited akong maging bad ulit. Balik maldita, balik kontrabida ulit kay Louise. It's a telefantasya so first time ko rin to be a part of that," pahayag niya nang aming makausap sa story conference ng naturang programa.
Dagdag pa niya, "Kakaiba ang role na ito kasi ang ka-deal ko dito ay isang sirena, at saka kambal sila. Eventually makakaaway ko sila pareho."
Kumpara sa character niya ngayon sa
Dormitoryo na si Danica, ang kakambal ng namayapang si Maika, hindi daw pa-tweetums ang role na Macy. Malalaking artista din ang makakasama niya dito, kaya sisikapin niyang masabayan ang husay ng mga beteranong aktres tulad nina Chanda Romero at Nova Villa.
Isa pa sa mga inaabangan ni Wyn sa teleseryeng ito ay ang posibilidad na maging sirena din siya tulad ni Louise. "Sabi ko nga, 'Puwede ba akong isumpa, tapos magiging sirena na lang ako?' Siyempre lahat naman siguro ng babae gusto maging sirena minsan sa buhay nila, so sana."
Matupad kaya ang hiling ni Wyn na maging sirena rin sa
Kambal Sirena? Abangan ang pinakabagong telefantasyang ito ngayong 2014 sa GMA Telebabad. --
Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com