Celebrity Life

Wyn Marquez on getting married: "Siguro kung manalo na ako ng korona"

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 14, 2017 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang aktres na napag-uusapan na nila ng kanyang boyfriend ang kasal, pero hindi pa daw ganun kaseryoso ang kanilang discussion.

Pareho mang abala ngayon sa kani-kanilang TV projects, going strong ang higit isang taon na relationship nina Wyn Marquez at Mark Herras. Kabilang si Wyn sa cast ng Mulawin VS Ravena habang mapapanood naman sa D' Originals si Mark.

 

??

A post shared by Wyn Marquez (@wynmarquez) on


Aminado ang aktres na napag-uusapan na nila ng kanyang boyfriend ang kasal, pero hindi pa daw ganun kaseryoso ang kanilang discussion.

WATCH: Mark Herras at Wyn Marquez, napapag-usapan na ba ang kanilang kasal? 

"Napag-usapan naman namin na siguro two to three years from now, kasi nasa edad naman ako, nasa edad na rin naman siya. Napag-usapan, pero hindi 'yung seryoso, walang ganun," kuwento ni Wyn nang makapanayam ng ilang miyembro ng press sa grand launch ng Mulawin VS Ravena.

Aniya, "Sabi ko nga, if you're in a relationship, why would you think na parang pang-short time lang? Siyempre kapag nasa relasyon ka, iisipin mo na sana in the end, siya na."

Ano naman ang masasabi niya sa pahayag ni Mark na siya ang huling babae sa buhay nito?

"Masarap pakinggan, siyempre, kung ganun ang sinasabi ng partner mo. Mas matatakot ako kung sasabihin niya na 'Naku, hindi pa ako ready.' In time siguro [ang kasal], not now, not any time soon. Siguro kung manalo na ako ng korona (laughs)."

EXCLUSIVE: Wyn Marquez, isinantabi muna ang pagsali sa Binibining Pilipinas para sa 'Mulawin VS Ravena'