
More than ready to compete na ang pambato ng Pilipinas at ang kauna-unahang Pinay na sasali sa South American beauty pageant na Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia ngayong Nobyembre.
Excited si Miss Filipinas Teresita Ssen “Wyn” Marquez na ipakita ang kanyang talento sa mundo, “I’m really excited to perform, and learn things kasi siyempre mga Latina, magagaling eh. Excited rin akong matutunan kung ano'ng puwede nilang ituro sa akin.”
Performance umano ang focus ng pageant, “Makikita n'yo lahat sila marunong sumayaw, lahat sila marunong um-emote [at] lahat sila magaganda so it’s really about performance, your confidence, and of course, you have to answer smart as well.”
Inalam na rin ng Pinay beauty kung sino-sino ang kanyang makakalaban at excited na rin siyang makilala ang mga ito, “I also have to know what their background is kasi it’s nice to know who you’re [going to] compete with as well. Uulit-ulitin ko, magaganda sila [at] grabe sila mag-perform.”
Nang tanungin siya ng GMANetwork.com kung ano'ng edge niya sa mga kandidata, “I’m Asian” ang mabilis na sagot ng dalaga. Dagdag ni Wyn, “We have a really unique heritage. We’re also Spanish since our words are assimilated, [and] our cultures are very similar. I look Asian, but my blood is also Spanish. Diversity ang ipaglalaban natin.”
Kung winning chance naman ang pag-uusapan, “I want to say 110%. Of course, I want to be positive, [and] I want to claim it ‘cause if you attract it, if you think about it, maybe God will give it to you. [It’s] Law of Attraction din so sana 110%. Teresita will Winwyn.”