
Nakakuha ng magandang support system ang actress-vlogger at Bb. Pilipinas 2022 candidate na si Herlene Budol mula sa kanyang False Positive co-stars tulad nina Xian Lim at Buboy Villar.
Sa panayam ni Rain Matienzo sa dalawang aktor sa Kapuso ArtisTambayan kahapon, May 10, nagbitaw sila ng mga magagandang salita tungkol kay Herlene. Inilarawan pa ang aspiring beauty queen ng False Positive love team niyang si Buboy na "special" at "pretty."
Diin pa ni Buboy, hindi nga raw nila alam kung bakit "hipon" ang tawag sa seksing komedyante. Ayon sa urbandictionary.com, ang "hipon" ay Pinoy slang term para sa isang tao "who has a nice body but an ugly face."
Ginagamit ding itong metapora para ilarawan ang isang taong walang laman ang utak o "patapon ang ulo."
Pinagtanggol naman ni Xian si Herlene sa mga tumatawag ditong "hipon."
"'Yung impression na binibigay ni Herlene, 'yung may pagka-hardcore comedy s'ya 'tapos the way she talks pero malalim s'yang tao and she's really smart kaya nga ako I just wish her the best sa top 40 ng Binibining Pilipinas."
Nagkaroon na ng experience mag-host ng coronight nght ng major beauty pageant si Xian kaya sanay na rin siyang kumilatis ng mga kandidata.
Patuloy pa niyang papuri kay Herlene, "People should really give her a chance. Ako, I'm all for her. She has the attitude, she has physicality, andiyan na e.
"The way she is, 'yun ang gamitin n'ya sa Bb. Pilipinas. Support namin s'ya, she's really a wonderful person."
Bukod sa kanyang character at magandang pangangatawan, narito ang iba pang qualities ni Herlene na nagpapatunay na siya ay beauty queen material: