
Puno ng adventure at sweet moments ang video na ipinost ni Xian Lim kasama ang girlfriend na si Iris Lee sa Instagram noong Lunes, January 6.
Sa 45-second video, ipinakita ni Xian ang ilang clip ng naging dates nila ni Iris tulad ng pangingisda habang nasa yate, paglalaro ng golf, pagsakay ng tricycle, at maging ang unang flight niya kasama si Iris.
Una nang ibinahagi ni Iris ang unang flight niya na si Xian ang piloto kung saan lumipad sila mula Subic Bay International Airport hanggang San Fernando, La Union.
Matatandaang kinumpirma ni Xian ang relasyon kay Iris sa isang magazine interview noong May 2024.
Nagkatrabaho sina Xian at Iris sa horror film na Kuman Thong, na isinulat at idinirehe ng aktor habang nagsilbi namang producer si Iris.
BALIKAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NINA XIAN AT IRIS SA PAGGAWA NG PELIKULA SA THAILAND DITO: