
Kuwelang ibinahagi ni Xian Lim ang sugat na tinamo niya dahil sa "kagat" ng buwaya habang namamasyal kasama ang kanyang mommy at lola sa Zoobic Safari kamakailan.
Sa kanyang Instagram Story, ipinakita ng False Positive actor ang sugat niya sa ulo na bunga umano ng kanyang kabibohan.
Sabi niya, "Dahil sa kabibohan... sumabit ulo ko sa ngipin ng crocodile." Ang tinutukoy ng aktor ay ang statue ng crocodile na matatagpuan sa lugar na kanilang pinuntahan.
Ngayong araw, January 5, muling in-update ni Xian ang kanyang followers at sinigurong maayos ang kanyang kalagayan.
Aniya, "Guys, okay lang talaga ako pramis."
Source: xianlimm Instagram
Sa pamamagitan din ng Instagram post, ipinakita ni Xian ang masayang pamamasyal niya kasama ang kanyang mommy at Lola.
Paglalarawan pa niya sa kanyang post, "We had a quick adventure today! Brought my mom @mommymaryanne and lola to the @zoobicsafari today. They had so much fun!"
Abangan si Xian sa teleseryeng False Positive, kasama si Glaiza de Castro, sa GMA Telebabad.
Samantala, narito ang ilang nakakakilig na larawan ni Xian Lim: