GMA Logo XOXO Members
source: xoxo_gma/IG
What's on TV

XOXO members, binalikan ang kanilang karanasan sa mga singing contests

By Kristian Eric Javier
Published July 13, 2024 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

XOXO Members


Alamin kung paano nakipagsapalaran ang bawat miyembro ng XOXO members sa mga singing contests noon.

Bago pa nabuo ang Kapuso girl group na XOXO ay may kaniya-kaniyang karera na ang mga miyembro nitong sina Lyra Micolob, Melbelline Caluag, Danielle Ozaraga, at Muriel Lomadilla. Katunayan ay sumali ang tatlo sa kanila sa mga singing contests para patunayan ang galing nila sa pag-awit.

Sa panayam nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 12, kinuwento nila ang ilan sa mga hindi malilimutang karanasan sa pagsali sa mga singing contest. Ayon kay Lyra, isa sa mga most memorable at pinakamasakit na nangyari sa kaniya ay nang sumali siya sa contest sa TV.

Ibinalita na niya noon ang pagsali niya sa nasabing contest maging sa kaniyang pamilya ang tungkol dito. Katunayan ay nag-aabang na sila na makita si Lyra sa TV, ngunit ayon sa singer ay hindi siya umere.

“Like inantay ko 'yung last day ng round na 'yun tapos hindi ako in-air. 'Yun talaga, talagang sobrang iyak na iyak, sabi ko, 'Ayoko na mag-contest,'” pag-alala niya.

Hindi naman sa contest ang most memorable experience ni Mel, ngunit sa isang event kung saan madalas ay naiimbitahan ang ilang government officials. Aniya, naka-gown siya noon at kumakanta ng “danceable” song kahit naka-gown.

“So kumakanta ako, medyo danceable pero naka-gown, tapos biglang 'yung bra ko po kasi, walang kinakapitan. Nalaglag ang bra ng bakla,” kuwento niya.

“Tapos ang ginawa ko sa gown ko, [tinakip] na lang. Nakakahiya talaga,” pagpapatuloy ng singer.

Sa isang event din ang most memorable experience ni Dani kung saan nag-perform siya Charter Day ng kanilang siyudad sa Cebu.

Aniya, “Pagpasok na pagpasok ko po sa stage, nadapa po ako, tapos sabay-sabay 'yung mga tao, 'Ay!' Pero nilaban pa rin, nanalo pa rin naman po.”

Kuwento naman ni Riel ay hindi siya masyadong sumasali noon sa mga contest dahil takot siyang ma-reject. Aniya, nanggaling ang takot na ito mula sa pambu-bully na naranasan niya noon.

Pero isang hindi malilimutan niyang experience ay ang noong sumali siya sa Linggo ng Wika noong grade school siya kung saan nagalit umano ang mga nanay na nanonood.

Pag-alala ni Riel, “Sabi, 'Nagli-lip sync naman 'yan e.' Sabi namin, 'Mahirap lang kami, ano po 'yung lip sync?' Tapos [sabi nila], 'May recorder kayo.'”

Sagot umano nila ay paano pa sila bibili ng recorder kung wala na nga silang pera?

KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG XOXO SA GALLERY NA ITO: