GMA Logo Muriel Lomadilla TikTok
source: xoxo_gma_riel/IG
Celebrity Life

XOXO's Muriel Lomadilla reaches 1M followers on TikTok

By Kristian Eric Javier
Published February 27, 2025 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Muriel Lomadilla TikTok


Congratulations, Muriel Lomadilla sa iyong bagong social media milestone!

Isang bagong milestone ang nakuha ng miyembro ng girl group na XOXO at Mommy Dearest star na si Muriel Lomadilla.

Umabot na kasi ng one million ang followers ni Muriel sa social media app na TikTok.

Bukod pa sa pagkamit ng one million followers, humahakot din ng maraming views sa naturang social media platform ang kaniyang videos.

Ang isang video niya kung saan nag-fangirl siya kay SB19 members Stell at Pablo, umabot na ng mahigit 50 thousand views.

Sa video, makikita sina Muriel at ang kasama nito sa grupo na si Lyra na inaabangan sina Stell at Pablo ng SB19 matapos nilang ma-interview para makapagpakuha ng selfies.

Caption pa ni Muriel sa kaniyang post, “Minsan online host, madalas fan girl!!!!!!!! I LOVE MY JOB!”

Sa comments section, ilang netizens ang nagpahayag na naiintindihan nila ang kilig ng dalawang XOXO singers dahil maging sila umano ay kikiligin din kapag nakita sa personal ang mga miyembro ng SB19.

Ilang netizens din ang nagpaalala kina Muriel at Lyra na may pila pa para kay Stell, at sinabihan silang kailangan sumunod dito.

Kasalukuyang napapanood ngayon si Muriel sa Afternoon Prime series na Mommy Dearest bilang si Yaya Flor, ang yaya at bestfriend ni Mookie, played by Shayne Sava.

Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG ILANG PINOY TIKTOK CREATORS NA MINAHAL NG MGA TAO NOONG 2024 SA GALLERY NA ITO: