
Uy, over reacting ka na! Kailan nga ba it's okay to be OA?
'Yan ang topic nina Madam Cha also known as Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar sa newest session nila sa Your Honor noong February 28.
Dito, ipinatawag ng House of Honorables ang The Secrets of Hotel 88 stars na sina Xyriel Manabat at Esnyr para pag-usapan ang topic this week.
Parehong umamin ang dalawa sa Your Honor na "OA" sila pero alam nila kung kailan lulugar. Kaya inilahad naman nila sa YouLOL Originals vodcast kung kailan sila naiinis sa taong nagiging over reacting.
Kuwento ng dating child star na si Xyriel, “Siguro, 'pag nafi-feel ko hindi ko alam kung tamang term 'yung plastic, pero parang OA 'yung pagiging ano niya, hindi na genuine.
“Yung parang okay na, okay na. Hindi ko po ma-pinpoint 'yung mismo, pero 'yung thought.”
Sabat ni Madam Cha, “Yung mga patronizing na energy”
Dagdag ni Xyriel, “Or 'yung alam mo na hindi totoo… The chinacharot mo na ako mommy. Chinacharot mo ako mhie.”
Kahit laging mataas ang energy ng content creator na si Esnyr, na nakita naman nang maging parte siya ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, naniniwala pa rin siya na dapat marunong kang bumasa sa sitwasyon, kung aakma ba ang pagiging OA mo.
Paliwanag niya sa Your Honor, “Kasi, 'yung pagka-OA (over reacting) para sa akin, depende sa sitwasyon e.”
“Inilulugar, kailangan mo rin to read the room. Kasi, hindi naman sa lahat ng panahon kailangan laging big 'yung reactions mo.”
“Kailangan mo makibagay kasi pangit naman 'pag sobrang OA mo. Example, 'pag birthday ng isa, surprise. Tapos, ikaw pa 'yung parang sinurprise dapat ibibigay natin 'yan sa taong nagbi-birthday.”
RELATED CONTENT: 'The Secrets of Hotel 88' cast shines at red carpet media con
Bibida sina Xyriel at Esnyr sa The Secrets of Hotel 88 na mapapanood sa GMA Prime. Kasama rin nila ang kapwa nila PBB housemates na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, AZ Martinez, Ralph De Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Josh Ford, Kira Balinger, Dustin Yu, Bianca De Vera, at Will Ashley.
Mapapanood ang The Secrets of Hotel 88 simula ngayong Lunes, March 2 sa oras na 9:35 PM at mapapanood naman ito sa GTV sa oras na 11:25 PM.
RELATED CONTENT: Career milestones of Xyriel Manabat & Esnyr