GMA Logo Xyriel Manabat
Courtesy: Wish Ko Lang on Facebook
What's Hot

Xyriel Manabat, bibida sa 'Wish Ko Lang' matapos ang 'PBB' stint

By Nherz Almo
Published June 13, 2025 10:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Xyriel Manabat


Abangan si Xyriel Manabat bilang dalagang tinamaan ng rabies sa 'Wish Ko Lang.'

Sa unang pagkakataon ay mapapanood bilang aktres si Xyriel Manabat sa GMA sa pamamagitan ng bagong "Rabies" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.

Ito ang unang acting project ni Xyriel matapos siyang ma-evict, kasama si Vince Maristela, sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa naturang episode, gagampanan ni Xyriel ang karakter ng isang 13-year-old na dalagitang nakagat ng isang asong ulol at tinamaan ng rabies.

Nagmistulang reunion din ito para kina Xyriel at Andrea del Rosario, na dating nang gumanap bilang mag-ina sa isang teleserye.

Makakasama rin nina Xyriel at Andrea sa episode na ito sina Nikki Co, Princess Aliyah, Hailey Mendes.

Abangan sila sa Wish Ko Lang bukas, June 14, 4:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, tingnan ang ilan pang larawan ni Xyriel dito: