GMA Logo Karylle, Yael Yuzon
Celebrity Life

Yael Yuzon, gustong pakasalan ulit ang asawa na si Karylle?

By EJ Chua
Published February 26, 2024 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Karylle, Yael Yuzon


Muling inalok ng kasal ni Yael Yuzon ang kanyang misis na si Karylle.

Isang nakakakilig na pangyayari ang natunghayan ng mga manonood sa It's Showtime ngayong Lunes, February 26, 2024.

Ang isa sa hosts ng programa na si Karylle ay nakatanggap ng sorpresa mula sa kanyang asawa na si Yael Yuzon.

Realted gallery: Karylle and Yael Yuzon's 10 years of wedded bliss

Gulat na gulat si Karylle nang makita niya ang kanyang asawa.

Sa pagbisita niya sa studio ng It's Showtime, sinamantala ng Sponge Cola vocalist ang pagkakataon na muling makapag-propose sa kanyang asawa.

Habang nasa stage, biglang tinanong ng host na si Vhong Navarro si Yael ng, “Di ba Yael, 10 years na kayo?”

Kasunod nito, naganap na ang surprise wedding proposal ni Yael kay Karylle.

Sagot ng OPM artist, “Magte-ten years na kami na kasal. And alam mo, 'yung thing with being kasal na kayo ng 10 years parang mas na-a-analyze mo 'yung mga things through the ups and downs… Tapos kung sigurado ka back then, mas madaling maging sigurado now kasi mayroon na tayong 10 years together.”

Dagdag pa niya, “Pero mayroon akong hindi nagawa before. Kaya, gagawin ko ngayon."

Matapos nito, ipinakita ni Yael ang isang yellow box na may singsing sa loob at lumuhod na ang una sa harap ng kanyang asawa.

Tanong ni Yael kay Karylle, "Papakasalan mo ba ulit ako?"

Sagot naman ng huli, “Oo.”

Sa ilang parte ng sorpresa, ibinunyag ni Yael na hindi sanay sa mga sorpresa ang kanyang misis.

Sina Karylle at Yael Yuzon ay ikinasal noong 2014 sa San Antonio de Padua Church sa Silang, Cavite.

Patuloy na subaybayan si Karylle sa It's Showtime , tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at Sabado ng 12 p.m. sa GTV.