What's Hot

‘Yagit,’ nagpasaya ng mga batang kapus-palad sa Enchanted Kingdom

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 6:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Isang show sa Enchanted Kingdom ang handog ng Yagit cast sa kanilang mga panauhin. 
By AL KENDRICK NOGUERA
 


Bilang pasasalamat sa magandang ratings na nakukuha ng Yagit, naghandog sila ng isang munting regalo sa mga batang kapus-palad. Dinala ng Afternoon Prime soap ang ilang mga bata sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa City noong March 29.
 
Isang entertainment show na may halong palaro ang inihandog ng Yagit cast members na sina Chlaui Malayao, Jemwell Ventinilla, Judie Dela Cruz, Zymic Jaranilla, Steph Yamut, Renz Fernandez, James Blanco, Maricris Garcia, Ina Feleo, Kevin Santos, LJ Reyes, Yasmien Kurdi, at Bettinna Carlos.

LOOK: The Enchanted Kingdom giving back trip
 
Ito raw ang isa sa mga paraan ng pagpapasalamat ng Yagit sa mga tumatangkilik sa show ayon kay Bettinna. 
 
“Nakagawian na namin na 'pag marami kang ipinagpapasalamat, tapos nagpapasalamat ka pa, mas marami pa 'yung darating na ipagpasalamat mo pa. And this is just one of the many efforts of Yagit to give back talaga to our supporters,” saad niya.

Ayon naman kay Yasmien, ibang klase raw ang pakiramdam niya nang makita niyang abot tainga ang ngiti ng mga batang pinasaya nila. “Kapag nakakapagpasaya ako ng mga bata, siyempre masaya ka na rin kasi may anak ako. Alam ko 'yung feeling ng kaligayahan ng mga bata,” anang aktres.
 
Dagdag pa niya, “Parang simpleng bagay lang ito for us, pero for other people, malaking bagay ito lalo na kapag nalaman namin na na-a-appreciate at pinapanood nila 'yung show namin.”