GMA Logo Bianca Umali and Pauline Mendoza in Kambal Karibal
What's on TV

Yakap mula sa taksil na kapatid sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published June 24, 2020 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Pauline Mendoza in Kambal Karibal


Sa dinami-rami ng kasalanang nagawa ni Crisel sa kanyang kakambal, nagawa pa rin siyang patawarin ni Crisan.

Sa episode 68 ng Kambal, Karibal, nagmakaawa si Crisel (Pauline Mendoza) kay Crisan (Bianca Umali) na hayaan siyang gamitin ang katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) para manatiling buhay.

Sa kabila ng mga kasalanang nagawa ni Crisel, nagawa pa rin siyang patawarin ni Crisan alang-alang sa kanyang kaligayahan.

Hahayaan na lang ba ng huli na mabuhay ang kanyang kakambal sa kasinungalingan?

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.