GMA Logo Yasmien Kurdi
What's on TV

Yasmien Kurdi at Nadine Samonte, nagpatalbugan noon sa isang beauty parlor?

By Jimboy Napoles
Published August 26, 2023 9:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi


Sinagot na rin ni Yasmien Kurdi ang isyu ng umano'y alitan nila ng kapwa 'StarStruck' graduate na si Nadine Samonte.

Nagbigay din ng pahayag ngayon ang celebrity mom na si Yasmien Kurdi sa umano'y inggitan nila noon ng aktres at batchmate niya sa StarStruck season 1 na si Nadine Samonte.

Nauna nang sinabi ni Nadine sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 24, na wala silang naging alitan ni Yasmien. Pero ano naman kaya ang reaksyon dito ni Yasmien?

Sa nasabing programa ng batikang TV host na si Boy Abunda ngayong Biyernes, August 25, nagsalita na rin ang aktres na si Yasmien tungkol sa nasabing isyu.

“Sabi niya [Nadine Samonte] you have no rivalry. Totoo o hindi?” tanong ni Boy kay Yasmien.

“Wala.. siguro 'yung mga parent. Char!” natatawang sagot ni Yasmien.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Boy ang isang kuwento-kuwento na naganap 'di umano sa pagitan nina Yasmien at Nadine noon sa isang beauty salon.

Kuwento ni Boy, “Kayo raw ay nasa beauty salon, you know 'yung salon na pinupuntahan niyo. Inaayusan si Nadine, nandoon ka rin. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa inyong dalawa [nito]'Dapat mas maganda ako sa kanya.”

Dagdag ni Boy, “Siyempre this 20 years ago pa napapagtawanan na lang ngayon.”

Ayon naman kay Yasmien, hindi niya na maalala ang pangyayaring ito.

Sagot ng aktres, “Wala akong maalala… grabe ka.”

Paliwanag pa niya, “Baka joke 'yun kasi mahilig kami na maglaro-laro.”

Masayang sinabi naman sa kanya ni Boy, “Alam mo pareho kayo ni Nadine walang naaalala."

Nakangiting tugon ni Yasmien, “Ganoon po talaga yata kapag nanganak na. 'Di ba 'yung mga [epekto ng] anesthesia, [kaya] 'di mo na maalala."

Samantala, muli namang magkakasama sina Yasmien at Nadine sa isang Kapuso series. Ito ay ang GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband na mapapanood na simula sa Lunes, August 28.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.