
Isang masaya at makulit na weekend ang mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil makakasama nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi sina Yasmien Kurdi at Royce Cabrera.
Ngayong March 25, mapapanood ang unang beses na pagbisita ni Yasmien sa Sarap, 'Di Ba? Bukod sa kulitan, maghahanda pa siya ng espesyal na recipe na siguradong magugustuhan ng mga manonood.
Makakasama pa natin sa Saturday morning bonding ang Kapuso comedians na sina Cookie (Pekto Nacua) and Belly (John Feir). Sila ay makikisali rin sa exciting na Bring Me Pool Challenge.
Bukod sa challenge, may aktingan rin sa Sabado sa Dear Teh Mina. Abangan ang kuwento ni Cindy, prince charming, at evil stepsisters.
Abangan ang masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso Stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel. Mapapanood rin ang Sarap, 'Di Ba? sa Pinoy Hits Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.