
Game na game si Yasmien Kurdi na sumayaw sa 1980's hit song na "Just Got Lucky" kasama sina Manilyn Reynes, Valeen Montenegro, at Kitkat.
Sa TikTok video na ibinahagi ni Yasmien, makikitang nakasuot ng 1980s outfit ang lahat. Biro ng aktres, "Zumba yarn?"
Ayon kay Yasmien, ginawa niya ang TikTok video kasama sina Manilyn, Valeen, at Kitkat ilang minuto bago ang performance nila sa All Out Sunday.
"Few minutes before our opening [production]. [Just Got Lucky] with Ate Manilyn, Ate Kitkat and Valeen," sulat ni Yasmien.
Samantala, patuloy na mapapanood si Yasmien sa Las Hermanas bilang ang panganay na anak na si Dorothy, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m sa GMA.
Kilalanin ang cast ng 'Las Hermanas' sa gallery na ito: