GMA Logo yasmien Kurdi with her mother miriam ong yuson
Celebrity Life

Yasmien Kurdi gifts her mom with a 4-storey house

By Jansen Ramos
Published September 3, 2024 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

yasmien Kurdi with her mother miriam ong yuson


Binigyan ni Yasmien Kurdi ng bahay ang kanyang ina na si Miriam Ong-Yuson para maging 'safe haven' nito habang nagpapagaling mula sa chronic kidney disease.

Ipinakita ni Yasmien Kurdi sa social media ang iniregalo niyang bahay para sa kanyang ina na si Miriam Ong-Yuson.

Ayon sa Instagram reel na ipinost ng Kapuso actress noong September 1, 2024, binili niya ang nasabing bahay noong nakaraang taon matapos ma-diagnose ng chronic kidney disease ang kanyang ina.

Itinuturing niya itong "safe haven" para dito magpagaling ang kanyang ina kaya sinisiguro nila na lagi itong malinis para sa kalusugan nito.

Ani Yasmien, binili niya ang property, na may apat na palapag, dahil malapit ito sa kanyang bahay para lagi niyang mabibisita ang kanyang inang may sakit.

Gaya ng kanyang bahay, inspired sa farmhouse ang exterior ng bahay na iniregalo niya sa kanyang ina. May garahe ito sa unang palapag at attic.

Related gallery: LOOK: House tour of Yasmien Kurdi's beautiful home!

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Noong August 8, 2023, ibinahagi ni Yasmien sa Instagram na sumailalim ang kanyang ina sa hemodialysis sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City. Dito ay nabanggit niya na nangangailangan din ng kidney donor ang kanyang ina.