What's Hot

Yasmien Kurdi, handa na bang iwanan ang showbiz?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 22, 2020 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Totoo bang may bago na siyang boyfriend? Nakahanda na rin ba siyang lumagay sa tahimik? Ito ang inalam ni "Showbiz Central" host John "Sweet" Lapus.
For the past few months, napadalas ang pagbabakasyon sa ibang bansa ng drama princess na si Yasmien Kurdi. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ni Yas outside showbiz? Totoo bang may bago na siyang boyfriend? Nakahanda na rin nga ba siyang lumagay sa tahimik? Ito ang inalam ni John “Sweet” Lapus sa Showbiz Central last Sunday, March 21. Sweet:For the past months ay sunud-sunod ang mga pagbabakasyon mo out of the country, Middle East, Asia. Marami ngayong nagtatanong kung ano ba ‘yan…may nanlilibre daw sa ’yo sa mga bakasyon na ‘yan? Yasmien: Hindi po. May nanlibre po nung Hong Kong, Forever Flawless po, si Ms. Ruby. Pero the rest po, hindi po, sarili ko po kasi pinuntahan ko yung tatay ko. Nine years din akong hindi nakabalik sa Kuwait, so pinuntahan ko yung mga gamit ko dati, pinuntahan ko yung kuwarto ko. Alam mo ‘yung parang nagbalik ka, nagpunta ako sa school ko dati, ganun ganun. Sweet:Napapabalita meron ka daw boyfriend na flight attendant na yun daw ang naglilibre sa’yo sa mga vacations mo abroad. starsYasmien: Ay hindi, hindi, kasi wala naman silang privilege na magbigay sa mga friends nila, Sa family lang yun, depende yun sa airline. At saka hindi, kaibigan ko lang talaga yun. Sweet:Ang tinatanong ngayon, dahil nga busy ka sa business, ‘yan ba daw ay paghahanda na dahil gusto mo nang lumagay sa tahimik in the future, kaya nagne-negosyo ka na? Yasmien: Siyempre iniisip mo rin naman yung future, iniisip mo rin naman yung mangyayari sa ‘yo. Kasi hindi naman tayo lahat bata di ba, na magsa-stay lang ng bata. Iisipin mo rin na in the future, stable ka rin. Hindi naman yung ibig sabihin pagdating ng future na walang-wala ka, ganun-ganun, ‘yung maluwag man lang sa buhay. Sweet:Desidido ka nga daw na tapusin ang course mo? Foreign service ba ang course mo? Yasmien:Yes po. Kung hindi niyo po alam ang foreign service, isa po siyang consular and diplomacy, ganun, international relations po ‘yung pinag-aaralan namin. Sweet:Dahil nga busy ka sa negosyo, busy ka pagbakasyon around the world o sa ibang bansa, busy ka sa pag-aaral, ikaw ba, malapit ka na bang magpaalam sa showbiz? Nami-miss ka na ng mga fans mo. Hindi ka daw tumatanggap ng soap ngayon, or mga guestings, namimili ka daw. How true? Yasmien: Depende rin po, kasi gusto ko rin makatapos talaga ng college kasi nasimulan mo na ang isang bagay, bakit mo tatalikuran di ba? Parang kailangang panindigan mo na mag-aaral ako, magtatapos ako. For more entertainment news, don’t miss Showbiz Central every Sunday afternoon. Can’t get enough of Yas? Read the excerpts of her live chat and check out her photo gallery. Pag-usapan si Yasmien sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet registered? Register here! Maging updated sa mga activities ni Yasmien through Fanatxt. Just text YASMIEN [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is available only in the Philippines.